Benjamin kinarir ang pagiging Manuel Quezon

Masaya at excited naman ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves dahil gagampanan niya ang karakter ng kanyang favorite Filipino hero sa upcoming period film na “Goyo: Ang Batang Heneral.”

Ibinunyag niya ring mabusisi ang kanyang naging paghahanda sa kanyang role bilang ang dating presidente na si Manuel L. Quezon tulad na lamang ng pagbabasa ng makakapal na reading materials tungkol sa bayani.

Hindi na rin makapaghintay ang kanyang mga fans dahil tiyak nilang bagay na bagay kay Ben ang karakter ni Goyo.

Bukod dito, araw-araw inaabangan ng Kapuso viewers si Ben sa morning drama series na Kapag Nahati Ang Puso. Magkakabalikan pa kaya sina Claire (Bea Binene) at Joaquin (Ben)? Abangan yan sa pagpapatuloy ng daytime drama serye ng GMA!

Read more...