Tambalang Sef-Bitoy may bagong pasabog sa Bubble Gang

HINDI pa man dumadating sa ending ng kanilang istorya, naging emosyonal agad ang cast members ng GMA Afternoon Prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Hindi kasi nila naiwasan na maging sentimental sa kanilang social media posts sa huling araw ng kanilang taping.

Si Mike Tan, idinaan ang nararamdaman sa isang Instagram post kung saan sinabi niyang mami-miss niya ang mansyon ng kanyang Mama Adel na ginagampanan ni Gina Alajar. Habang si Yasmien Kurdi naman, nag-post ng isang nakakatawang “Boomerang” video kasama ang kanyang co-stars.

Nag-post din si Charee Pineda ng photo ng mga kapatid niya sa serye na talaga namang naging ka-close niya. Sigurado naman hindi lang sila ang makaka-miss sa isa’t isa dahil ngayon pa lang, ayaw na ng fans na lisanin nina Yas ang Afternoon Prime block.

q q q

Siguradong Friday nights will never be the same again dahil magbabalik na ang unbeatable tandem nina Michael V at Sef Cadayona sa Bubble Gang.

Sa isa kasi sa mga segments nito na “Ikaw at Ang Ina,” muling bibigyang-buhay ng dalawa ang mag-ina na sina Yna at Selphie na magpapatawa sa inyo tuwing Friday night sa longest-running gag show ng bansa.

Si Sef, hindi naitago ang excitement na muling makaeksena ang Kapuso comedy genius bilang si Yna Moran. Na-miss daw niya talaga ito. Abangan ang katatawanang hatid nila every Friday sa Bubble Gang.

Read more...