Alden game na game na naghubad sa Victor Magtanggol

ALDEN RICHARDS

NAG-BONDING sa pagluluto ang mga babae sa buhay ni Victor Magtanggol sa Idol Sa Kusina last Sunday. Naghanda sina Chef Boy Logro, Chynna Ortaleza at Janine Gutierrez ng mga Pinoy dishes bilang pagdiriwang ng National Heroes’ Day.

Samantala, pinag-usapan sa social media ang topless scene ng Pambansang Bae kung saan naipakita ni Alden Richards ang katawang lubos niyang pinaghirapan. Bukod dito, kinagigiliwan din ng netizens ang adventures ni Alden bilang si Victor Magtanggol gabi-gabi.

Bukod kasi sa epic visual effects at nakakamanghang costumes, maraming natututunan ang mga Kapuso viewers sa kwento ni Victor lalo na sa pagmamahal sa pamilya. Ngunit, ngayong mas lumalala ang kasamaan ni Loki (John Estrada), paano kaya babalansehin ni Victor ang tungkulin sa bayan at sa pamilya? Tutok lang sa VM tuwing gabi sa GMA Telebabad lang!

Read more...