Paglayas ni Glaiza sa GMA 7 ‘fake news’

“FAKE news” ang kumalat na balitang babalik na raw sa ABS-CBN si Glaiza de Castro.

May mga nagtanong kasi sa Kapuso actress kung totoong iiwan na niya ang GMA 7 pagkatapos ng kanyang afternoon series na Contessa. Nauna nang ipinahayag ng dalaga na gusto muna niyang i-pursue ang kanyang pag-aaral ng music production.

Komento at tanong ng follower (@itsmeailyn) ni Glaiza sa Twitter, “Alam mo mamimiss kita contessa kc ikw lng ung pnapanood ko dto s riyad pv medyo breaktime ako pmpawala ng pagod tpos nabasa ko p magaaral k muna so mwwla k s tv pansamantala kakasad nman huhu!”

Sagot naman ni Glaiza (@glaizaredux), “Mga ilang linggo lang naman, may kontrata pa ko no. wahahaha!”

Ang sabi naman ni @Marie_Mhel, “Nagbasa ako comments s gma news fb post ng article about you, ang oa ng mga reaction s comments section, kung hindi ka raw buntis eh lilipat k ng tv station.”

Tugon ng Kapuso actress, “Pwedeng jowa muna? Baka sakaling magkatotoo! lol!”

Malapit nang magtapos ang Contessa sa GMA Afternoon Prime at aniya marami pa raw dapat abangan ang manonood sa pagpapatuloy ng kuwento. Kailangan daw huwag nang bumitaw ang mga Kapuso viewers dahil sunud-sunod na ang mga pasabog ni Contessa laban sa kanyang mga kaaway.

Siguradong matutuwa raw ang manonood sa mga twists and turns sa buhay ng mga pangunahing karakter sa serye, lalo na kina Duquessa (Gabby Eigenmann), Daniella (Lauren Young) pati na rin sa pinakamamahal na lalaki ni Contessa na si Gabriel (Gabby Eigenmann).
Napapanood pa rin ang Contessa pagkatapos ng Eat Bulaga.

Read more...