8 nalason matapos kumain ng kabute sa Isabela

WALO ang nalason, kabilang na ang isang-anyos na babae matapos kumain ng kabute sa Villa Luna, Cauayan City, Isabela.

Ginagamot ng isang lokal ospital ang sanggol na si Lorraine, at mga miyembro ng pamilya Eder, matapos na makaramdam ng pagkahilo, pagtatae at pagsakit ng tiyan matapos kumain ng nilutong kabute ng 62-anyos na si Nicolas Eder.

Kabilang sa mga naapektuhan ay ang misis ni Nicolas na si Manuela, 61; Loreto, 44; Rudilyn, 27; at siyam-anyos na si Trisha, na pawang Eder ang apelyido at sina Rodel Soliman, 19, at Mary Joy Jodilla, 15.

Iniregalo ang mga kabute ng pinsan ni Manuela, na pinitas sa bahay ng mga langgam.

Read more...