Sikreto ng tambalang MayWard ibinandera

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

SA kabila ng kasikatan, napapanatili pa rin nina Maymay Entratra at Edward Barber ang kanilang kababaang-loob at pagiging totoo sa kanilang mga tagahanga.

In fairness, puro papuri lang ang naririnig namin mula sa mga taong nakakatrabaho ng MayWard loveteam, wala pa kaming nababalitaan na nag-inarte o naging pasaway ang dalawang bagets.

Last Sunday, na-interview sina Maymay at Edward sa Rated K ni Korina Sanchez at dito nga nila ibinahagi kung ano sikreto ng kanilang loveteam.

“Hindi po nawawala kung sino po talaga kami, kung ano ang nararamdaman po namin,” sey ni Maymay.

“Tapos isa rin sa dahilan kung bakit, bumabalik kami kung sino talaga kami dahil ‘yung mga kaibigan namin hanggang ngayon kaibigan pa rin namin, tapos ‘yung pamilya namin nandiyan pa rin para sa amin,” dagdag pa ng dalaga.

Ayon naman kay Edward, nais nilang maging inspirasyon para sa mga millennial ang kanilang tambalan.

“Isa sa mga bagay na gusto naming i-represent bilang artist, bilang loveteam, bilang anak, as millennials din, I hope magbigay pag-asa, ‘yun ang gusto naming ibigay sa mga tao,” pagbabahagi ng young actor.

Bukod sa Wansapanataym Presents Ikaw Ang Ghosto Ko tuwing Linggo ng gabi, may gagawin ding pelikula at teleserye ang MayWard this year. Kasama rin sila sa 2018 Metro Manila Film Festival entry nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, ang “Fantastica”.

Nabuo ang tambalang MayWard noong 2017 sa loob ng Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 kung saan nga itinanghal na Big Winner si Maymay.

Read more...