Magnitude 4 na lindol sa Surigao

NIYANIG ng magnitude 4.0 lindol ang Surigao del Norte kaninang tanghali.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:37 ng hapon.

Ang sentro nito ay 89 kilometro sa silangan ng Burgos at may lalim na walong kilometro.

Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate. Walang inaasahang pinsala at aftershock ang Phivolcs sa lindol na ito.

Read more...