Sooyoung, Choi Tae Joon magtatambal sa ‘So I Married an Anti-Fan’

BIBIDA ang boyfriend ng sikat na Korean actress na si Park Shin Hye na si Choi Tae sa bagong adaptation ng sikat na Chinese novel na So I Married an Anti-Fan, kasama ang miyembro ng K-pop Girls’ Generation na si Choi Sooyoung o mas kilala bilang si Sooyoung.

Dati na rin itong ipinalabas bilang Chinese film kung saan ang bida ay sina Mabel Yuan, Chanyeol ng EXO at Seohyun ng Girls’ Generations.

Kwento ito ng isang top star na si Hoo Joon (Tae Joon) at magazine reporter na naging anti-fan na si Lee Geun Young (Sooyoung).

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, magkakasama sina Hoo Joon at Geun Young sa iisang bahay.

Nakilala si Tae Joon bilang isa sa mga bida sa Suspicious Partner, kasama ang Korean superstar na si Ji Chang Wook. Ilan sa kanyang mga K-drama ay ang The Undateables at Missing Nine.

Napaulat ang pagde-date nina Tae Joon at Shin Hye noong Mayo, 2018.

Napanood naman si Sooyoung sa Squad 38, Man In The Kitchen at My Spring Days.

Makakasama rin nila sa So I Married an Anti-fan sina Han Ji An at Chansung ng 2PM. – Keizia Dominguez

Read more...