Pauline sa inang may breast cancer: Gagaling siya, pray lang nang pray!

NANINIWALA ang Kapuso star na si Pauline Mendoza na malakas ang powers ng taimtim na dasal para sa paggaling ng kanyang inang may stage 3 breast cancer.

Ayon sa dalaga, okay naman ang kundisyon ngayon ng ina at hindi na raw kumakalat ang cancer nito, “Well ayan, okay naman po siya. Puro herbal, kasi ayaw po niyang pumunta ng hospital, e!”

Nakausap namin si Pauline kamakailan at sinabi nga niya na two years ago nang ma-diagnose na may cancer ang kanyang nanay.

May pagkakataon daw na umiiyak siyang mag-isa sa kwarto kapag naiisip niya ang kalagayan ng ina, “Kasi siyempre alam naman namin na unsure pa rin kami kung gagaling nga siya, kung ano ang possible na mangyari.

“Pero naniniwala po ako na gagaling siya. Kailangan niya talagang gumaling. Pray lang nang pray,” sey pa ni Pauline. Sumailalim na sa mastectomy ang nanay ni Pauline at inalis na ang dibdib nito na may kanser.

Samantala, napaluha rin si Pauline nang mabalitaang namatay na ang mommy ni Marlo Mortel dahil sa breast cancer. Hindi pa raw niya nami-meet si Marlo pero binigyan daw ng aktor ng charm bracelet ang ina ni Pauline.

In fairness, nakilala na rin namin ang mommy ni Pauline at para ngang wala itong sakit kung titingnan ang kanyang itsura. Dahil din daw ito sa paggamit ng herbal at natural na mga gamot.

Read more...