Walang Pinoy na nadamay sa Florida shooting – DFA

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa nangyaring pamamaril sa Jacksonville Landing, Florida.

Batay sa datos ng DFA, aabot sa 13,700 miyembro ng Filipino community ang nakatira sa 4th Congressional District ng Florida, kasama na ang Jacksonville.

Ayon sa mga otoridad, nagpaputok ang salarin sa loob ng isang gaming bar, kung saan dalawa ang patay, samantalang 11 iba pa ang sugatan bago ito nagbaril sa sarili.

Inaalam pa ang motibo ng pamamaril.

Read more...