KINONTRA ni Pangulong Duterte ang pahayag ng kanyang mga kritiko na magpapagamot siya kaya bibisita sa Israel sa unang linggo ng Setyembre.
“Eh kung operahan nila ang utak ko doon eh di mas maganda. Wala mang problema. No, I would be going there with some of the retiring military and police officers. Marami kami. That is my gift to them for serving the country well,” sabi ni Duterte sa isang panayam matapos pangunahan ang paggunita sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Nauna nang kinuwestiyon ni Magdalo partylist Rep. ang tunay na pakay ni Duterte sa Israel sa harap naman ng intriga kaugnay ng estado sa kanyang kalusugan.
“No… I’m there because of the 28,000 Filipinos. And it’s getting hotter there… And also on the Lebanese front… And in Jordan, we have 48,000 Filipinos. That’s why I am bringing Cimatu to prepare for that eventuality and just in case war breaks out there,” giit ni Dueterte