SINONG nagsabi na sa bituka lang pwedeng magka-ulcer?
Namatay ang isang lalaki sa Lucknow, India matapo matanggal ang kanyang ari. At ang dahilan kinain na ito ng ulcer.
Dinedma ng 82-anyos na lalaki ang mga sintomas ng sakit na tumubo sa kanyang ari ng may isang taon, ayon sa British Medical Journal Case Reports.
Nang pumunta siya sa ospital para magpa-checkup, nakita ng mga doktor ang malaking ulcer sa kanyang ari. Namamaga ito at natutuklap ang balat.
Tinangka ng mga doktor na bawasan ang pamamaga sa pamamagitan nang pag-alis ng nana nito at pinainom siya ng antibiotic.
Makalipas ang dalawang linggo ay isinugod siya sa ospital matapos na mahulog ang kanyang ari dahil sa pagkabulok.
Ayon kay Dr. Gaurav Garg ng King George’s Medical University nagsagawa sila ng clinical examination at ang ulcer ang natukoy na dahilan ng nangyari sa lalaki.
May nakitang bukol sa kaliwang singit ng lalaki na pinaniniwalaang dulot ng sexually transmitted infection. Itinanggi ng lalaki na siya ay nagkaroon ng STI.
Sng lalaki ay mayroon din umanong squamous cell carcinoma, isang uri ng skin cancer.
Bukod sa pagkatanggal ng kanyang ari, nasira rin ang kanyang urethra kaya hindi siya makaihi kaya nilagyan siya ng catheter.
Ayon sa report, ang auto-amputation ng ari ay isang rare na kondisyon at mangyayari ito kapag pinabayaan ng isang lalaki ang mga sintomas ng sakit.
Kadalasan ang squamous cell carcinoma ay nangyayari sa mga bahagi ng katawan na nasisinagan ng araw gaya ng mukha, leeg, kamay, paa at maging sa ulo na walang buhok o panot.
Sa simula ang squamous cell carcinomas ay mukhang patse sa balat na parang kulugo na parang nagkakaliskis at magaspang.
Ang sintomas naman ng kanser sa balat ay pag-iiba ng kulay ng balat sa apektadong bahagi. Lumalaki ito sa paglipas ng panahon at gumagaspang.