MARAMING pinaiyak si Morissette Amon nang kantahan niya sa hospital bed ang ina ni Marlo Mortel bago ito namatay.
“Way Back Into Love” ang kinanta ni Morisette sa mother ng singer-actor at nang lumabas ang video nito ay talaga namang marami ang naantig. Matagal nang magkaibigan sina Mori at Marlo kaya naman in times of crisis ay maaasahan ang dalaga.
Pumanaw na ang ina ni Marlo and Mori is one of the few celebrities na unang dumamay sa actor.
Meanwhile, Morissette is all praises sa kasama niya sa concert na si Lani Misalucha.
Together, they will topbill “A Lani Morissette” concert at the Theater of Solaire, on Sept. 22 and 23.
“Just how she is able to manage her life but at the same time nakikita pa rin natin ang passion niya, ‘yung love niya for her family and how God-fearing she is. She’s shown us how she values her relationship in life.
At the same time, hindi lang siya napakagaling sa craft niya, napakagaling din niya na ibahagi ang lif eniya sa ibang tao lalong-lalo na ‘yung relationship niya with God,” say ni Mori when asked kung bakit queen si Lani.