Beking comedian umiiwas na sa sugal, gusto nang magbagong-buhay

AYON sa mga kaibigan ng isang becking komedyante ay nakahabol pa ang kanyang pagbabago sa paghawak ng pinagpapaguran niyang pera. Ubos kung ubos kuno dati ang becking ito.

Pero ngayon ay mukhang marunong na siyang mag-isip-isip para sa kanyang kinabukasan, marunong na siyang magrenda ngayon sa paggastos at paglustay ng kanyang kinikita, nakahabol pa sa huling biyahe ng pagbabago ang becking komedyante.

Kuwento ng isang source, “Dati kasi, e, parang dumadaan lang sa mga palad niya ang kinikita niya. Magso-show siya sa isang probinsiya, madatung siya pagbalik ng Manila, pero tumutuloy naman siya agad sa bisyo niyang pagsusugal.

“Kung one hundred thousand ang dala-dala niya, itotodo niya ‘yun, uuwi siyang walang kahit magkanong natitira sa kanya. Ganu’n siya nu’n! Ang katwiran niya kasi, e, marami naman siyang booking, konting patawa lang, datung na agad!

“Kahit konti lang, wala siyang naiipon, talagang laslas ang bulsa niya kapag nagsusugal siya. Ubos kung ubos ang drama niya!” simulang kuwento ng aming source.

Nakikita niya kasi ang mga kasamahan niyang becking komedyante na hindi naman kataasan ang talent fee pero nakabibili ng kotse at nakapagpapagawa pa ng bahay ang iba.

“Naisip niya siguro na malaki nga ang talent fee niya kesa sa mga kasamahan niya, pero wala naman siyang naiipon. Waldas kasi siya, sugal siya nang sugal, kaya sa wala lang nauuwi ang mga pagsasakripisyo niya.

“Teka lang, sabi siguro ng baklush, bakit nakakapagpundar ang mga kasabayan niya, e, hindi naman kalakihan ang kinikita nila? Bakit siya na popular na, kilala na kahit saan, pero wala pang naipupundar?

“So, naisip niya, babawasan niya na ang pagwawaldas, mga kailangan na lang niya sa career niya ang gagastusin niya, babawasan na niya ang pagsusugal!

“Buti naman at nagising na siya sa katotohanan na walang mangyayari sa buhay niya kung magbibisyo lang siya. Sayang naman ang panggagaya niya sa isang magaling na aktres, di ba?

“Walang himala, sabi ng ginagaya niya, kaya unti-unti na siyang nag-iipon ngayon ng mga pinaghihirapan niya. Dapat lang!” madiing chika ng aming impormante.

Aysus naman, mauupo pa kaya kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Read more...