Daniel: Parang hindi pwedeng itambal kami sa iba ni Kathryn

HINDI pa rin ma-imagine ni Daniel Padilla na may iba siyang ka-loveteam bukod kay Kathryn Bernardo.

Sey ni DJ, pwede naman daw siyang gumawa ng pelikula kahit walang partner, “Hindi ko pa iniisip yung leading lady. Galing na ako sa malupit na leading lady, e. Ang gusto ko naman ngayon, kahit wala munang leading lady.

“Gusto ko ng magandang proyekto na may magandang istorya. Kahit wala (loveteam), huwag na muna. Leading man siguro, para maiba naman,” birong pahayag ni Daniel.

Naniniwala rin si Daniel na hindi tama kung itatambal sila ni Kathryn agad sa iba pagkatapos ng pelikula nilang “The Hows Of Us”, “Alam mo, naisip ko, after nito, hindi tayo puwedeng dumiretso sa loveteam, e. Hindi dapat. Hindi puwedeng after nito, diretso ka agad sa isang loveteam.

“Ito yung transition mo para sa personal as individual, magta-try kami ng ibang project, magiging experimental kami. Pero it doesn’t mean na kailangang may partner kasi galing na kami du’n, e. Parang ano ba, nagpapalit lang tayo ng mukha ng kapartner natin? E, galing na kami dito. Ngayon, kaya lang kami naghiwalay para mag-grow kami as actors,” paliwanag ng binata.

Read more...