Alex, Toni nagbukingan sa librong ‘Sissums’

IBINUNYAG ng celebrity siblings na sina Alex at Toni Gonzaga ang iba’t ibang papel na ginampanan nila sa buhay ng isa’t isa sa bagong librong “Sissums: the 18 Rules of Sisterhood” na inilathala sa ilalim ng ABS-CBN Publishing kung saan ikinwento ng dalawa na nagsilbing role model, critic, at bully kay Alex ang kanyang ate habang naging abogado at cheerleader naman ni Toni ang nakababatang kapatid.

“Na-realize namin na may iba’t ibang roles kaming nagampanan sa buhay ng isa’t isa sa iba’t ibang phase ng buhay naming dalawa, at ibinahagi namin ‘yung mga ‘yun sa librong ito.

“Positive or negative man, ‘yung mga roles na ‘yun eh nakatulong sa aming mag-grow individually and as sisters,” kwento ng “Sissums” co-authors na hindi makapaniwalang #sistergoals ang tingin sa kanila ng marami.

Tuklasin ang mga sikreto sa matibay na buhay-magkapatid nina Alex at Toni sa “Sissums” book, na mabibili sa leading bookstores nationwide.

Read more...