Horoscope, August 27, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon ngayon ng mga Virgo, kaya panahon mo rin. Sa pinansiyal, tatabong bigla ng malaking halaga sa isang dati ng source of income. Sa pag-ibig mamayang gabi may magaganap na sopresang romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Aum.” Silver at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag masyadong madaldal upang hindi ka mapahamak. Isarado ang bibig at manahimik. Kapag tahimik ka lang mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, tuloy ang pabugso-bugsong pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 9, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — May babala ng karamdaman. Mag-request sa kasuyo ng pagkaing, kulay puti, malambot, mainit ang sabaw at masarap higupin! Sa panahon ito ng karamdaman, tama ang iniisip mong napakahalaga ng maraming ipong pera. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Red at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Hindi pupuwedeng isip lang ng isip, ang mas mahalaga maipatupad mo ang iyong iniisip upang mas mabilis kang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, itext o i-call ang iyong kasuyong Libra, sobrang nami-miss ka na nya. Mapalad ang 5, 9, 23, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Beige at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag pansinin ang mga taong nagkakalat ng kung ano-anong balita na hindi naman totoo. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa, ano ba ang paki-alam nila sa sarili mong buhay? Sa panahong ito, iisa lang ang tunay na kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Aroha-Om”. Black at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Mga bagay na imposibleng maganap ang kusang mangyayari! Biglang mado-doble ang kinikita. Sa pag-ibig, yong isang tao na pinapangarap mong makasama, walang ano-ano bigla mong makaka-relasyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Higit sa iyong inaasahan ang dating ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, sa tuwing makakapiling ang kasuyo, lalong mapupospos nang ligaya ang bawat araw. Sa pinansyal, tuloy-tuloy na dadami at lalago ang income. Mapalad ang 1, 5, 19, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Iwasan muna ang lipunan, upang magkaroon ng payapang isipan at kampanteng pamumuhay. Mapalad ang 3, 12, 21, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy mo lang ang mga dati nang ginagawa at dagdag sipag at ipon pa ang kailangan. Malapit na malapit ka ng umunlad. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 7, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gopalago-Gayatri-Om.” White at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Init ang kailangan upang suwertehin at lumigaya. Sa pag-ibig romansahin ng romansahin ang kasuyo hanggang mag-init ang katawan. Sa pinansyal, sa kalakal na may kaugnayan sa apoy at init, malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pag-ibig, maaaring ipagdadamot na naman ng kasuyo ang kanyang oras. Magpasensya ka na lang, talagang ganon, may topak na naman siya ngayon. Sa pinansyal, hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Rebus-Durate.” Silver at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Pagpasensiyahan ang kasuyo, darating ang panahong magiging matino at bubuti rin siya sa iyo. Sa pinansyal, wala talagang ibang maaasahan kundi ang sarili mo. Dagdagan pa ang pagsisipag upang umunlad. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag hayaang mamatay ang sigasig, ipatupad ang anomang binabalak bago mahuli ang lahat. Sa pag-ibig, wag kang kukupad-kupad, baka tamarin ang iyong kasuyo. Sa pinansyal, ngayon na ang pagkakataon upang yumaman – itodo na ang pagsisipag at itodo na rin ang pag-iipon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Silver at green at ang buenas.

Read more...