Baeby Baste nag-celebrate ng b-day sa bahay-ampunan

LUMIPAD patungong South Cotabato si Alden Richards para dumalo sa 6th birthday celebration ng youngest co-host ng Eat Bulaga na si Baeby Baste.

Best friend at kuya kasi ang turing niya kay Alden. Ang bida ng Kapuso series na Victor Magtanggol pa nga ang nagpapatatag sa pananampalataya ng bata dahil sinasamahan niya itong magsimba paminsan-minsan sa Shrine of Mt. Carmel na malapit sa Broadway Centrum.

Pinasaya naman ni Baste ang mga bata mula sa St. Agnes Orphanage bilang bahagi ng kanyang birthday celebration and take note, siya pa mismo ang nag-host ng kanyang party na mala-Eat Bulaga ang tema.

Read more...