SSS beneficiaries ng ama gustong alamin ng anak

GOOD day po Aksyon Line. Ask ko lang po sana kung posible ko po bang malaman kung sinu-sino ang inilagay ng tatay ko na beneficiaries po niya? Nagpaalam po siya last May and yung sa mama ko naman po, 2014 po siya namatay. Nai-file po ng pinsan ko yung funeral claim pero hindi ko po alam kung hanggang saan niya inasikaso dahil namatay na rin po yung pinsan ko.

Sabi ng asawa ng pinsan ko,may nagclaim na raw, pero nung na check ko sa 2600, pending ang lumitaw. Confused po ako right now. Please help po.

Nica Gotico

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa sulat ni Bb. Nica Gotico kung saan itinatanong niya kung maaaring malaman kung sino ang beneficiaries ng kanyang ama.

Nabanggit din ni Bb. Gotico na namaalam na ang kanyang ama ngayong taon, gayun din ang kanyang ina noong 2014. Sayang lamang at hindi niya nabanggit ang SS number at buong pangalan ng kanyang ama para sana ito ay ma-verify namin.

Nais po naming ipabatid kay Bb. Gotico na tanging ang member lamang ang maaaring mag-request ng kopya ng kanyang SS Form E1 at E4 kung saan nakatala ang mga nadeclare na beneficiaries.

Ayon sa social security law, mayroong tatlong hierarchy ng beneficiaries. Ang tinatawag na primary beneficiaries ng isang member ay ang kanyang legal na asawa na dependent sa kanya at ang mga minor na legitimate o illegitimate na mga anak. Ang primary beneficiaries lamang ang nakatatanggap ng pensyon para sa mga miyembro na may hindi bababa sa 36 buwanang hulog.

Kapag walang primary beneficiaries ang miyembro, ang mabibigyan ng one-time lump sum death benefit ay ang secondary beneficiaries o ang mga magulang ng namatay na miyembro. Kapag wala na ring secondary beneficiaries, ang mga declared beneficiaries o ang mga nakatala sa SS Form E1 at E4 ng member, ang makakakuha ng benepisyo.

Pinapayuhan namin si Bb. Gotico na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS upang magfile ng aplikasyon para sa death benefit. Sa ganitong paraan makakapagsagawa ng proseso ang SSS at batay sa mga records ng kanyang ama, madeclare ng SSS kung sino ang dapat bayaran ng benepisyo.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Bb. Gotico.

Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,

May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media
Affairs Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...