Darren Espanto gusto nang karirin ang pagiging aktor

DARREN ESPANTO

Excited na si Darren Espanto sa unang pagsabak niya sa larangan ng pag-arte. Itinuturing niyang bagong achievement ang pagkakasali niya sa pelikulang “The Hows Of Us” kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Inamin naman ng binatilyong singer na grabe ang ginawa niyang adjustment sa simula na kanilang shooting.

“It’s very different from singing and I’m very grateful and I’m very happy sa first acting gig ko po sila po agad. Kasama ko sina direk Cathy, KathNiel the whole cast and I’m glad I get to work with them,” ayon kay Darren.

Siya ang gaganap na kapatid ni Kathryn sa movie na may sakit. In fairness, ilan sa mga ginawa niyang eksena sa movie ay kinunan pa sa ibang bansa. Aniya, nais niyang mabigyan ng sapat na panahon ang pagiging aktor.

“I’d like to do it again kung makakapag-workshop ako. Kasi hindi po ako nakapag-workshop. I guess mas maho-hone ko ‘yung pag-acting din,” sabi pa ng award-winning singer.

Kung bibigyan pa siya ng chance na makaarte uli, “Sana makatrabaho ko ‘yung coach ko nu’ng The Voice Kids, si Ate Sarah Geronimo.”

Showing na ang “The Hows Of Us” sa Aug. 29 mula sa Star Cinema.

Read more...