Cherie pumayag sabuyan ng tubig sa mukha ni Rosemarie Gil

KATUWA ang re-enactment nina Cherie Gil and Ms. Rosemarie Gil ng classic line ng una sa isang video.

“O, kumusta naman, mommy at mas mataas ang rating ng show namin kaysa sa inyo,” dayalog ni Cherie kay Ms. Rosemarie.

“You’re nothing but a second rate, trying hard copycat,” sagot ni Ms. Rosemarie sabay buhos ng tubig kay Cherie.

Cherie posted the short video sa kanyang Facebook account with this caption: “Now THIS IS CLASSIC! And THIS upon my request!”

“Disclaimer: only my mother can do this to me ha!?!?”

“Haha classic indeed”

“OMG, this is legendary!”

“Thank you mom Rose Marie Gil Eigenmann for being such a great sport! #theoriginal.”

Magkalaban ang show ng mag-ina, si Cherie ay kontrabida sa isang GMA series at si Ms. Rosemarie sa Ngayon At Kailanman na nag-rate nang husto sa pilot episode nito. Sorry, Cherie, ha, pero talo ng Ngayon At Kailanman ang show mo sa Siyete.

Read more...