PUMALAG si Neri Naig sa panglalait sa anak nila ni Chito Miranda.
“Brian Laig Landicho: Ang panget naman ng batang eto (referring sa anak ko).
“Neri: chineck ko yung pagmumukha niya sa Facebook. Wow ha. Nahiya naman ako sa itsura niya Hahaha! Kayo na lang ho ang humusga sa itsura niya.
“Marami rin talagang bastos at hibang pero tawanan na lang. pag pray na lang natin. Minsan maiisip mo na i-post mo kaya yung pictures niya at asawa niya at anak niya.
“Kaso hindi naman ang mag ina niya ang bastos at hindi rin naman ako katulad ng tatay nung bata para bastusin sila lalo na ang bata. Kung mabasa man eto ng asawa at anak niya, pagsabihan nyo tatay nyo at God bless sa inyong pamilya.”
‘Yan ang aria ni Neri sa social media. Marami naman ang kumampi sa kanya.
“Yaaasss! Ang tunay na deserving sa title na queen mother. We love you Neri!”
“TRUEEEE! Kung may lelevel sa pagiging huwarang ina ni Sisa, si Neri na yun! Kaya gooo girl!”
“Ang International Women’s Day sa Pilipinas ay gagawin na tuwing birthday ni Neri. The true epitome of a strong woman.”
q q q
Nag-level up na ang roles nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa “The Hows Of Us.”
“Siguro malaking-malaki kasi sobrang nahirapan ako. Ito, masasabi ko na halo siya ng rom-com na na-miss nila at nandito rin ang bigat.
“Pero ang maganda hindi naming siya tinackle in a very mabigat way kung mabigat na ‘yung script. Medyo balance po siya. Iba siya kasi ang laki ng maturity na hinihingi sa amin ni DJ bilang Primo at me bilang George.
“Malayung-malayo ito sa akin sa totoong buhay and hopefull nga kapag napanood nila ay si George talaga ang makita nila,” chika ni Katrhyn who plays George sa movie.
“Bago rin ‘yung story kung paano namin ikukuwento ang story nila. Ibang-iba ito sa kuwento ng ‘Can’t Help’ at La Luna Sangre, ibang-iba,” dagdag pa ni Kathryn.