Daniel pinatunayang matindi ang respeto kay Kathryn

MARAMING tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nagbubunyi ngayon dahil sa wakas, pagkatapos nang limang taon, ay inilantad na ng magka-loveteam ang tunay nilang relasyon.

Kahit wala namang pag-amin mula kina DJ at Kath ay marami nang naniniwalang magkarelasyon sila, pero iba pa rin kasi kung sa kanila ‘yun manggagaling, mas kumpirmado at legal na talaga.

Sa totoo lang, halos hindi na naghihiwalay ang dalawa, may pupuntahan lang si Kath na puwede namang hindi na sumama pa ang young actor ay mauuwi pa rin ‘yun sa kanilang paglabas nang magkasama.

Biruan nga ay baka magkapalit na sila ng mukha dahil hindi na sila nagkakalayo, palagi silang magkadikit, pero ang may gusto pala nu’n ay si Daniel mismo.

Kuwento ng aming source, “Puwede namang si Kath na lang ang uuwi after ng show nila, kasama niya naman ang mommy niya, pero hindi pumapayag si DJ.

“Kahit pagod na siya, kahit kailangan na niyang magpahinga, ihahatid pa rin niya si Kath.

“Gusto niya kasing masiguro na nasa house na talaga si Kath bago siya umuwi. Ganu’n siya ka-supportive kay Kath, ganu’n siya katinding magmahal,” kuwento ng aming kausap.

At disiplinado ang magkarelasyon. Alam nila kung hanggang saan lang sila.

Matindi ang respeto ni Daniel sa mga magulang ni Kathryn kaya hinding-hindi niya bibiguin ang pamilya ng magandang young actress.

Read more...