Paulo maraming ‘hugot’ dahil kay ‘Goyo’

MARAMING na-realize ang Kapamilya hunk actor na si Paulo Avelino after filming “Goyo: Ang Batang Heneral”.

Kahapon sa grand mediacon ng pelikula, inamin ni Paulo na hindi madali ang gumawa ng isang epic bio film, lalo pa’t isang kilalang bayani ang kanyang ginagampanan, si Gen. Gregorio del Pilar o Goyo. Talagang literal na dugo’t pawis ang kinailangan niyang ilaan para mabigyan ng hustisya ang kanyang role.

After ng critically-acclaimed and box-office hit historical film na “Heneral Luna,” nagbabalik ang direktor nitong si Jerrold Tarog para sa much-awaited follow-up na “Goyo: Ang Batang Heneral.”

“Mahalaga sa akin itong pelikulang ito hindi lang bilang artista, kung hindi bilang mamamayan ng Pilipinas dahil importante sa akin na sana ay malaman ang istorya natin. Importante sa atin na paulit-ulit ipaalala itong mga istorya natin para makita ang mga pagkakamali natin at maitama ngayon,” pahayag ng binata.

Dagdag pa niya, “Maraming makaka-relate not just the young people but all generations. Not just because of our history but because of knowing or remembering who you are. Parang tagline nga, ‘Tandaan mo kung sino ka.’ Pagpapaalala sa iyo kung sino ka.”

Para naman kay Direk Jerrold, “In many ways, ‘yung kwento ni Goyo, para siyang a call to critical thinking. Kinukwestiyon niya yung sarili niya, kinukwestiyon niya kung bakit ginagawa ito. And in a way, ‘yun din ‘yung magiging tanong ng audience.

“Ano ba talaga yung pinaglaban ni Goyo? Pag-ibig ba? Si Aguinaldo ba? O yung bayan? I think magandang pag-isipan yun nung audience, especially ng kabataan,” aniya pa.

“Kung si Luna ay apoy, si Goyo ay tubig. Ganoon ‘yung kuwento. Mas tahimik ang pelikula. In a way parang invitation siya sa audience para pag-isipang mabuti kung ano ang nangyayari,” sey ng direktor.

Samantala, kung ikinumpara ni Direk Jerrold sa tubig ang “Goyo”, natanong naman si Paulo kung ano’ng klaseng tubig siya sa estado ng kanyang buhay ngayon?

“Parang musky eh, medyo marumi nang kaunti, pero, ako, magulo, parang ayun nga, I think mailalapit ko rin sa pelikula ‘yung buhay ko dahil parang, like sa priorities, what should you prioritize in your life, dahil parang coming after doing ‘Goyo’ parang you get to realize a lot of stuff,” hugot ni Goyo.

Makakasama rin sa “Goyo” sina Gwen Zamora, Empress Schuck, Carlo Aquino, Rafa Siguion-Reyna, Mon Confiado, Epy Quizon, Arron Villaflor, Alvin Anson, Art Acuña, Ronnie Lazaro, Perla Bautista, Benjamin Alves, Che Ramos, Matt Evans, RK Bagatsing, Karl Medina, Stephanie Sol, Miguel Faustmann, Jason Dewey, Bret Jackson, Ethan Salvador at Robert Seña.

Showing na ang “Goyo” sa Sept. 5 under TBA Studios, Artikilo Uno Productions and Globe Studios. Pero bago ipalabas ang “Goyo”, “Heneral Luna” will have a special limited theatrical release in selected cinemas starting Aug. 29.

Read more...