Resbak ni Kris sa basher: Mamili ka ng ibu-bully dahil hindi kita uurungan!!!

HINDI pinalampas ni Kris Aquino ang pamba-bash ng isang netizen sa kanyang pamilya matapos mag-post ng litrato ni Bimby at ng kanyang yumaong ama na si Ninoy Aquino.

Ito ‘yung Instagram post ni Kris kung saan pinagtabi niya ang photo ng bunsong anak at ng ama. Marami ang nagsabi na malaki pala ang pagkakahawig ng maglolo.

Pero may isang hater na nagkomento ng, “Naman. Ipilit. Kamukha anak mo sa kanyang ama.
Parang copy sya ng ama nya. Pati ba ang mukha ipagkait pa sa bata na may ama sya.”

Na sinagot naman ni Kris ng, “Did I say anything disparaging towards James Yap? My post about my son’s similarity to his lolo Ninoy. Utang na loob, araw ito ng pagka paslang ng tatay ko – mamili ka naman ng okasyon.

“You unfortunately mouthed off so since you did, you gave me the right to go on the defense – simple truth time, regardless of how many millions I earn, Bimb would respect his father more if the father showed some effort and contributed even just P1 a month to Bimb’s care.”

Pagpapatuloy ng Social Media Queen, “You see the difference? Kuya Josh’s dad has had the decency to keep quiet and thank me and my family for taking care of all Kuya’s needs. Kayo nananahimik na nga kami, nanggugulo pa kayo. Mamili ka ng i-bu-bully because hindi kita uurungan.”

Read more...