Regine may bonggang ‘Hugot Videoke Party’ sa Sarap Diva

BONGGANG selebrasyon man o sawi sa pag-ibig, game na game palagi ang mga Pinoy sa videoke o karaoke party.

Sa favorite tambayan n’yo tuwing Sabado ng umaga, ang Sarap Diva, tatlong Kapuso artists ang makikipagchikahan kay Asia’s Songbird Regine Velasquez to share their heartbreaks and ease it out by singing their favorite “Hugot Song”.

Makipag-bonding kay Regine kasama ang kanyang special guests na sina Kakai Bautista, Jason Abalos at Tetay with a lively discussion about loving, hoping and putting every emotion in singing.

Makakasama rin ng Sarap Diva family ang Clashers na sina Josh Adornado and Psalms David bilang mga random live scorers sa magaganap na Videoke Party.

Whether you are in tune or not, singing calms the heart, kaya naman huwag na huwag palalagpasin ang Hugot Videoke Party ng Sarap Diva ngayong Sabado, 10:30 a.m. sa GMA 7 lang. Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV at GMA Life.

Read more...