Glaiza hindi magpapatalo sa mga hamon ng buhay

MATAPOS ang kanyang mall show kamakailan, may na-realize si Glaiza de Castro sa OST ng kanyang Afternoon Prime series na Contessa na pinamagatang “Dito Sa Aking Mundo.”

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram page kalakip ng isang artwork na gawa ng isa niyang fan. Kuwento ng dalaga, mas na-inspire pa siya sa mensahe ng kantang ito dahil kahit gaano man daw kahirap ang pinagdaraanan niya, makakaya at malalampasan niya ito.

Para sa mga nais mapakinggan ang nasabing kanta, pumunta lang sa Spotify para katulad ni Glaiza, makahanap din kayo ng inspirasyon. Pak!

Samantala, mukhang tamang-tama naman ang kantang ito ngayon para sa kanyang karakter na Contessa na muli na namang mabibigo sa pag-ibig sa pagpapaalam sa kanya ni Gabriel (Geoff Eigenmann) na handang isakripisyo ang buhay para sa kanyang kaligtasan.

Kung tuluyan mang umalis si Gabriel kasama si Daniella (Lauren Young), paano kaya ito makakayang tanggapin ni Contessa? Magbago pa kaya ang desisyon ni Gabriel na lumayo kay Contessa?

Abangan mula Lunes hanggang Sabado ang top-rating at laging trending na serye ni Glaiza pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. Kasama pa rin dito sina Jak Roberto, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Tetchie Agbayani at marami pang iba.

Read more...