Du30 dismayado matapos payagan si Ampatuan na makalabas ng kulungan

DISMAYADO si Pangulong Duterte matapos namang payagan si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan na makalabas ng kulungan para dumalo sa kasal ng kanyang anak na babae.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang basbas ni Duterte ang desisyon ng korte.

“The panel of the prosecutors and the President joins them, opposed that motion and we’re dismayed that it was granted. That’s the official stand,” sabi ni Roque.

Noong Martes ay pinayagan ng korte si Ampatuan na dumalo sa kasal ng anak nito sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City mula alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Kabilang si Ampatuan sa sinasabing utak ng Maguindanao massacre noong 2009, kung saan 58 katao ang napatay, na karamihan ay miyembro ng media.

Read more...