P62.4M Grand Lotto jackpot nasolo

NASOLO ng isang mananaya ang P62.4 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha sa winning number combination na 01-26-47-42-19-17.

Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.

Nanalo naman ng tig-P107,070 ang walong mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Tig-P1,420 naman ang 482 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 naman ang 11,846 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...