Kyline, Bianca nag-away dahil kay Miguel; fans rambulan na

UMALMA ang fans ni Bianca Umali para depensahan ang bintang na sila umano ang nambastos kay Kyline Alcantara habang kumakanta ang huli sa Vista Mall, Iloilo City last weekend na ikinaiyak ng Kapuso singer-actress habang nasa stage.

Idinaan sa Twitter ng fans ni Bianca na nagbayad sila ng plane fare para makapunta sa Iloilo at suportahan ang ka-loveteam ni Miguel Tanfelix sa show.

“We went there just for one thing, we want to show our love and support to our dear Bianca. She’s like a siser. Also, she doesn’t know about this trip,” ayon kay @iamsupergabb.

Depensa pa ng isang follower ni Bianca na nabasa namin sa social media, “Wala pong nangyaring bastusan at sampalan at sabunutan. Nagulat nga ung mga tao na umiyak siya at sinabi nya wag tularan ang ibang fan club na ang babastos.

“At tsaka fan nya ung nagtapon ng notebook kasi gift nya daw kay K. Ganun nangyari panuoriin nyu ung video sa fb ko,” @DaisyreiV.

Siyempre, galit ang fans ni Bianca dahil ang idolo na nga nila ang narakanas ng masaklap mula sa isang taong minahal bilang isang kaibigan pero siya pa ang lumalabas na masama.

Ang tsismis, si Miguel Tanfelix ang ugat ng hidwaan ngayon nina Bianca at Kyline, huh!

Read more...