#Laban pa more: Maine nangunguna sa botohan para sa Asia’s Top Sweetheart

MADALING-ARAW pa lang kahapon ay todo paalala na ang fans ni Maine Mendoza para iboto siya’t manalo sa online poll bilang Asia’s Top Sweetheart.

Sa Twitter, may info ang fans ng Phenomenal Star na nasa first place siya as of yesterday.

Hanggang Aug. 25 na lang kasi ang ending ng pagboto kaya non-stop ang panawagan ng fans para sa kanilang idolo.

Ang mga kalaban ni Meng sa title ay mula sa India, Thailand, South Korea at China.

Sabi naman ni Maine, nagpapasalamat siya sa effort ng kanyang mga fans para manalo siya sa nasabing online poll pero feeling niya parang “too much” naman ang titulong Asia’s Top Sweetheart”.

“Hindi ko naman deserve yung title, Asia’s Sweetheart. Kung Kalye sweetheart o kaya Barangay sweetheart pwede pero ‘yong Asia’s sweetheart parang too much naman po.

“Pero sobrang na-appreciate ko na nakasama ako sa top 5, eh ‘yong effort ng mga fans po na talagang bumoto na talagang nagpuyat,” dagdag pa ni Meng sa panayam ng GMA News.

Read more...