Lalaki nakaligtas sa buwaya

BUHAY bagamat sugatan ang isang mangingisda matapos umanong sagpangin ng buwaya sa Bataraza, Palawan, ayon sa pulisya.

Pinayagan nang makauwi si Toto Ibrahim, 28, matapos malunasan sa Rio Tuba Hospital, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi Sabado, sa ilog na nasa Brgy. Tabud.

Namamana ng isda si Ibrahim nang bigla umanong sagpangin ng buwaya sa kanang bahagi ng likod at balikat, ayon sa ulat.

Sa kabila nito’y nakatakas si Ibrahim at nakahingi ng saklolo sa isa pang mangingisda.

Karaniwang naiuulat ang pag-atake ng mga buwaya sa mga residente ng malalayong bahagi ng katimugang Palawan, ngunit madalas ay nasasawi o nawawala ang mga biktima.

Read more...