Ikatlong panalo target ng NLEX; Import may injury

Mga Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Phoenix vs Columbian Dyip
7 p.m. NLEX vs Magnolia
PUNTIRYA ng NLEX na maipagpatuloy ang mainit na simula at matuhog ang ikatlong panalo ngayon sa PBA Governors Cup.
Anim na araw pa lamang mula nang magbukas ang torneyong ito pero pangatlong laro na ito para sa Road Warriors na sasagupa kontra Magnolia Hotshots umpisa alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa pangunguna ng import nitong si Olu Ashaolu ay nagwagi ang NLEX laban sa TNT Katropa at North Port (dating Globalport) para manguna sa liga na may 2-0 record.
Gayunman, may iniindang injury (patella partial tendon tear) si Ashaolu at malamang na malilimita ang kanyang galaw kontra Magnolia.
Pagkatapos ng larong ito ay nakatakdang magpahinga si Ashaolu at papalitan siya ni Aaron Fullerton sa susunod na laban ng NLEX.
Si Fullerton, na naglaro rin para sa NLEX sa PBA Governors Cup noong isang taon, ay dumating na sa bansa kahapon.
Sa unang laro ay magsasagupa ang Phoenix at Columbian Dyip.

Read more...