Cagayan niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Cagayan kaninang tanghali.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:10 ng hapon.

Ang sentro nito ay 24 kilometro sa kanluran ng Calayan. May lalim itong 15 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa bayan ng Claveria.

Posible umano na magdulot ng aftershock ang pagyanig na ito bagamat walang inaasahang pinsala.

Read more...