SIGURADONG ikatutuwa ng mga fans nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang mga susunod na proyekto ng magka-loveteam.
“Kasama kami ni Ronnie sa The General’s Daughter. Mayroon din kaming isang movie with Vice Ganda, yung Fantastika,” ani Loisa.
“Siyempre kinakabahan ako kasi mga batikan na artista ang mga kasama namin doon. Sobrang pressure din kasi kami lang yung bagets doon e,” chika pa ng dalaga.
Hindi pa raw sila nagte-taping para sa The General’s Daughter pero super excited na sila sa mga bagong experience na matututunan nila.
“Parang nag-look test pa lang kami, tapos story conference ganu’n palang. Pero nu’ng nag-story con kami, mababait po sila kaya nagkaroon na din ng bonding,” ang sey pa ni Loisa sa panayam ng ABS-CBN.
MOST READ
LATEST STORIES