Daniel: Hindi mabubuwag ang KathNiel!

SUPORTADO ni Daniel Padilla ang kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo sa pelikulang gagawin nito kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

“Excited ako para kay Kathryn kasi siyempre mayroon siyang project. Mag-isa siya, I mean wala lang ako and I think maganda ‘to para sa kanya dahil mago-grow siya bilang actor,” ang pahayag ni DJ sa isang panayam.

Nilinaw ni Daniel na hindi mabubuwag ang KathNiel, “It doesn’t mean na kapag naghiwalay kami mayroon na kaming ibang kasama. Hindi naman kailangan may partner na agad, e.”

Hirit pa ng binata, “Malay mo ako, after ng movie na ‘to may gawin ako na out of nowhere na istorya.”

Pero bago ang kanilang solo projects, mapapanood muna sina Kathryn at Daniel sa “The Hows Of Us” na showing na sa Aug. 29 under Star Cinema.

Read more...