#SuperMom: Iya bumangon, naglakad, kumain matapos manganak

BILIB na bilib talaga si Drew Arellano sa kanyang misis na si Iya Villania.

#SuperMom naman kasi talaga ang peg ni Iya dahil ilang oras lang matapos ipanganak ang second baby nila ni Drew ay nakabangon na ito na parang walang nangyari.

Sa kanyang Instagram Story, ipinakita ni Drew na wala pa raw tatlong oras matapos isilang si Baby Leon ay nakatayo agad ito at nakapaglakad patungo sa lamesa para kumain. Sey ni Drew sa kanyang IG video, “Alright, parang walang nangyari.”

Hirit naman ni Iya, “Nagutom ako, I’m hungry.”

Isinilang ni Iya si Baby Leon last Sunday (Aug. 19).

Read more...