Na-trauma: KC takot nang magkadyowa ng Pinoy

By Cristy Fermin August 21,2018
share this

Na-trauma: KC takot nang magkadyowa ng Pinoy

By Cristy Fermin August 21,2018
share this

KC CONCEPCION

NASA wastong edad na si KC Concepcion para mag-asawa pero mukhang wala pa sa kanyang isip ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Hindi pa sa ngayon, sabi niya, pero siyempre’y pangarap din niyang magkaroon ng mga anak.

Banyaga na naman ang kanyang karelasyon ngayon, pagkatapos nilang maghiwalay ng dati niyang karelasyong si Aly Borromeo ay mas ginusto niyang foreigner ang piliin niya, nagkaroon na yata ng takot si KC na magka-boyfriend ng Pinoy.

Kuwento ng mga kaibigan naming nakakakilala kay KC mula ulo hanggang paa ay napakasuwerte raw sa kanya ng magiging boyfriend niya.

“Sikat na siya, pero kahit kaunting yabang, wala kang mararamdaman sa kanya. Mabait si KC, tahimik lang siya kahit nasasaktan na. Magaling din siyang mag-alaga ng karelasyon.

“Siya ang batang lumaki sa kaginhawahan pero parang wala lang. Wala sa utak niya ang kung ano at sino siya, she remains so humble and simple,” papuri sa kanya ng aming mga kausap.

Kunsabagay ay kitang-kita naman ang pagiging mapagkumbaba at simple ng panganay ni Sharon Cuneta. Sa buong panahon ng pagkakaroon niya ng mga programa sa ABS-CBN ay wala kang maririnig na anumang reklamo ng produksiyong nakatrabaho niya.

Puro papuri ang maririnig tungkol sa dalaga, wala siyang kaartehan, hindi siya nagpapaimportante kahit pa may pangalan na siya at hindi lang basta anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Dagdag pa ng aming source, “Palagi lang siyang nakangiti, bihirang-bihira mo lang siyang makikitang nakasimangot, nangyayari lang ‘yun kapag wala lang siyang enough sleep at pahinga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending