Jake Zyrus nawalan ng spiritual adviser

JAKE ZYRUS

NAGING emosyonal si Jake Zyrus sa huling gabi ng burol ni Fr. Ricardo Torrefiel nitong nagdaang Sabado kung saan umawit din siya ng madamdaming kanta.

Malapit kay Jake si Fr. Ricardo (ng San Bartolome, Malabon) dahil ito ang naging spiritual adviser niya noong mga panahong naguguluhan pa siya sa kanyang sekswalidad.

“Parang real love, genuine love, and acceptance at yun yung pinaka malaking impact na binigay niya sa akin na hindi ko makakalimutan,” ang pahayag ni Jake sa panayam ng ABS-CBN.

Sabi pa ng award-winning singer, naramdaman niya kay Fr. Torrefiel ang tunay na pagmamahal at malasakit.

“People like us, like me, parang bibihira yung makakakita ka ng someone from the church na will support you dearly, genuinely, and ‘yun yung pinaramdam sa akin ni Father,” sey pa ni Jake.

Dugtong pa ni Jake, “Yun na kasi yung pinaka rare, especially sa generation ngayon yung totoong pagmamahal and bago siya nawala I’m very grateful na naramdaman ko yun from him.”

Si Fr. Torrefiel ang nasa likod ng pagsasaayos sa mga simbahan sa Malabon, kabilang na ang Immaculada Concepcion de Malabon at ang parokya ng San Bartolome.

Read more...