Arjo Atayde 12 oras bumiyahe para makarating sa Naga City

By Reggee Bonoan August 21,2018
share this

Arjo Atayde 12 oras bumiyahe para makarating sa Naga City

By Reggee Bonoan August 21,2018
share this

SOBRANG napasaya ni Arjo Atayde ang mga taga-Naga City dahil dumating pa rin doon ang aktor kahit nakansela ang maraming flight nitong Sabado matapos sumadsad ang isang Chinese plane sa NAIA.

Umabot sa 44 domestic flights ang kanselado nitong weekend at dahil inaasahan si Arjo para sa “Meet & Greet” event ng Robinsons Place Naga Red Hot Sale mall show ay nagdesisyon na siyang mag-land trip na umabot ng 12 oras.

Alas-tres ng hapon ang meet and greet at kasalukuyang nasa biyahe pa si Arjo at siya na mismo ang nagsabi sa mga-taga Robinson’s na kung puwedeng hintayin siya dahil darating siya maski na anong mangyari.

Dumating ang aktor sa Naga ng 7 p.m. at kahit pagod sa 12 oras na biyahe ay napakataas pa rin ng kanyang energy kaya sulit na sulit ang ilang oras na paghihintay ng mga Bikolanos.

Pagkatapos ng event ay nagpahinga lang ng ilang oras si Arjo at bumiyahe na ulit pabalik ng Maynila dahil may early work pa siya kahapon. Kanselado pa rin kasi ang flight pabalik ng Maynila.

Maging ang nanay ng aktor na si Sylvia Sanchez ay hindi rin nakabalik ng Maynila nitong Sabado galing Naisipit kung saan dinalaw naman niya ang kanyang nanay at mga kaanak.

Binisita rin ni Ibyang ang Skin & Beyond by Beautederm clinic na itinayo ng aktres kasama ang business partners na taga-Butuan din.

“Hindi ako makauwi, walang flight kaya dito na muna ako sa Nasipit, nagluto ng lechon. Ha-hahaha!” masayang tinig ng aktres sa kabilang linya.

May nag-post ng video ni Ibyang habang nagluluto ng lechon na umani ng maraming likes at comments at kasama ang buong pamilyang nagkainan.

q q q

Sinuportahan ni Jericho Rosales kasama ang asawang si Kim Jones ang pelikulang “Pinay Beauty” produced by Quantum Films na kasama sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino na palabas pa rin hanggang ngayon.

Nakita namin si Echo sa Eastwood Citywalk 2 nitong Linggo ng gabi at siya pa mismo ang unang bumati sa amin. Hindi kasi namin siya nakilala dahil naka-baseball cap na halos takip na ang mukha at naka-shades pa. Ipinakilala rin niya kami kay Kim na blonde ang buhok.

“Hey Regs, manonood ka? Si Kim pala,” sabi sa amin ng aktor na bumibida ngayon sa seryeng Halik ng ABS-CBN.

Tinanong namin kung ano ang panonoorin nila, “Pinay Beauty mamayang 7:40,” tugon ng aktor.

Naalala namin na paboritong artista ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films si Echo dahil ilang beses na niyang kinuha ang aktor para sa mga ginawa nilang pelikula na nakasali pa sa Metro Manila Film Festival.

Sa katunayan, ngayong 2018 MMFF ay si Echo ulit ang pangunahing bida sa pelikula nilang “Girl In The Orange Dress” kasama sina Ria Atayde at Jessy Mendiola.

Nakakatuwa sina Echo at Kim dahil para pa rin silang mag-boyfriend/girlfriend na super sweet sa isa’t isa.

Sabagay, malambing naman talaga si Echo at nasaksihan namin lahat iyon kahit noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending