TNT Boys ‘YFSF Kids’ Season 2 grand winner; wagi ng P1M, house & lot

ITINANGHAL na grand winner ang TNT Boys sa final showdown ng Your Face Sounds Familiar Kids Season2 2 na ginanap sa UP Theatre nitong nagdaang Linggo.

Ang transformation ng TNT Boys (Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez at Francis Concepcion) as the powerful trio of Jessie J, Ariana Grande and Nicki Minaj ang nagpanalo sa kanila sa grand finals ng season 2 ng YFSFK with their own rendition of the hit dance single “Bang Bang.”

Nakakuha sila ng total combined score na 100 percent mula sa judges’ scores at text votes.

Bilang grand winner nakapag-uwi ng P1 million, house and lot at special gadget showcase ang tatlong bagets na unang nakilala sa Tawag Ng Tanghalan (Kids Edition) sa It’s Showtime.

In fairness naman kasi sa tatlong members ng TNT Boys, talagang bawat performance nila sa show ay talagang kinakarir nila na para bang huling pagtatanghal na nila on stage.

Si Onyok Pineda naman ang pumangalawa sa labanan na nanggaya kay Steven Tyler, with 67.59%, habang nasa ikatlong pwesto naman si Esang De Torres na nakakuha ng 58.52% na gumaya kay Barbra Streisand.

Read more...