Panibagong bagyo magpapaulan

POSIBLENG palakasin ng bagyong Soulik ang Hanging Habagat na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration hindi inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Ngayong araw, ito ay nasa layong 1,580 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng northern Luzon.

Mayroon itong hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong umaabot sa 185 kilometro bawat oras.

Umuusad ang bagyo sa bilis na 15 kilometro bawat oras pakanluran.

Read more...