Liza Maza nagbitiw sa Gabinete ni Du30

NAGBITIW  na si Liza Maza bilang chairperson ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Sinabi ni Maza na ‘irrevocable’ ang kanyang resignation letter na ipinadala sa Malacanang.

“Upon deeper reflection on the events if the past few weeks, as well as the direction in which this administration appears to be heading, I am announcing that I have tendered this morning my irrevocable resignation as secretary and lead convenor of NAPC,” ani Maza.

Ginawa ni Maza ang pagbibitiw matapos na ibasura ng korte ang warrant of arrest laban sa kanya at iba pang militanteng lider kaugnay ng pagpatay sa Nueva Ecija.

Sinabi ni Maza na ang ‘pinakamahalagang dahilan’ ng kanyang pagbibitiw ay ang pagkansela ni Pangulong Duterte sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDF).

Iginiit naman ni Maza na ang kanyang pagbibitiw ay hindi isang pagsuko sa kanyang ipinaglalaban. Siya ay isang dating kinatawan ng Gabriela sa Kamara de Representantes.

Ipagpapatuloy umano niya ang pakikibaka para sa tunay na pagbabago sa gobyerno.

“Hindi kailanman malulutas ang kahirapan kung patuloy ang pag-atake sa mga nakikibaka laban dito.”

Read more...