Usad pagong na pagkilos sa NAIA dapat aksyunan ng Palasyo-solon

PALASYO na umano ang dapat na magdesisyon kung mayroong dapat na mapanagot sa pagsadsad ng isang eruplano ng China sa Ninoy Aquino International Airport na nagresulta sa pagkansela ng biyahe ng libu-libong pasahero.

Ayon kay House committee on transportation chairman Cesar Sarmiento dapat ay nakahanda ang NAIA, Manila International Airport Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines at Department of Transportation sa mga ganitong pangyayari upang mabilis ang maging aksyon at mabawasan ang abalang maidudulot ng mga sumasadsad na eroplano.

“This is a common occurrence. Once in a while it happens. But ‘yong iba mabilis ‘yong response, na-anticipate [sana] nila ito. Again, the word is anticipated. Again, this is an eye opener for the airport authorities na kung mangyari muli ito, dapat appropriate actions para ma-lessen, ma-reduce ang impact, inconvenience and damage to everybody,” ani Sarmiento.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang komite upang matukoy ang kahandaan ng mga ahensya ng gobyerno sa mga ganitong pangyayari at makatulong ang Kongreso kung may kakulangan.
Sinabi ni Samiento na dapat mapag-aralan ang mga opsyon kung magkakaroon ng problema sa NAIA gaya ng pag-aayos sa Clark International Airport sa Pampanga, pagtayo ng airport sa Sangley Point, Cavite at ang panukalang airport sa Bulacan.

Read more...