‘Strong Girl Bong Soon’ star bibida sa romantic film

MAPAPANOOD muli ang lead star ng hit Korean romcom na Strong Girl Bong Soon na si Park Bo Young sa romantic film na “On Your Wedding Day” kung saan makakasama niya ang Korean actor na si Kim Young Kwang.

Gaganap si Bo Young bilang si Seunghee, isang babaeng naniniwala sa “three seconds of fate,” habang bibigyang-buhay naman ni Young Kwang ang karakter ni Wooyeon, na naniniwalang si Seunghee ang kanyang destiny.

Mapapanood na ito sa Korea sa Agosto 22.

Huling nagkasama sina Bo Young at Young Kwang noong 2014 sa hit movie rin na “Hot Young Bloods,” kung saan bidang male lead star si Lee Jong Suk.

Bukod sa Strong Girl Bong Soon kung saan nakapareha ni Bo Young ang sikat na Korean actor na si Park Hyung Sik, napanood din siya sa K-drama na Oh My Ghost kasama si Jo Jung Suk.

Samantala, kabilang naman sa mga nagawang K-drama ni Young Kwang ang Love Rain, Good Doctor, Pinnochio, Sweet Stranger and Me, The Guardians at Gogh, The Starry Night. —Kezia Dominguez, trainee

Read more...