Ayon kay Bertiz 18 buwan ng nawawala si Ronalyn Yonting Lagawan na tumakas umano sa kanyang amo noong Pebrero 2017. Dumating siya sa Kuwait noong 2015.
Naglungsad na ang Philippine embassy sa Kuwait ng social media campaign upang mahanap si Lagawan.
Ang mga domestic worker na tumatakas sa kanilang amo ay maaaring arestuhin at makulong.
Umaabot sa 660,000 ang mga domestic worker sa Kuwait na kinabibilangan ng mga Pinay at mga galing sa Sri Lanka, Bangladesh, Nepal, India at Ethiopia.
Noong Mayo ay pumirma sa kasunduan ang Kuwait at Pilipinas para sa mas magandang pagtrato sa mga DH.
Kabilang dito ang pagbibigay ng isang araw na day off kada linggo at hindi pagkumpiska sa kanilang pasaporte.