BINITAY Miyerkules ng umaga sa China ang Pinay na na-convict sa drug trafficking noong 2011, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Kinumpirma ni DFA spokesman Raul Hernandez ang pagbitay sa 35-taong-gulang na babae na dalawang taong nakulong sa siyudad ng Hangzhou sa silangang China.
“It is with profound sadness that we confirm that our fellow Filipino was executed in China this morning,” ani Hernandez sa press briefing.
Dinakip ang babae, isang ina na may dalawang anak at residente ng Navotas, noong Enero 11 dahil sa pagdadala ng anim na kilo ng heroin.
Inaresto siya kasama ang kanyang pinsan, na taga-Navotas din, na may bitbit ng kaparehong bigat na droga. Nasentensyahan din ng kamatayan ang huli subalit nabigyan ito ng dalawang taon na reprieve.
Nabisita naman ng ina at anak ang babae noong Lunes ng umaga, ayon kay Hernandez.
Inaayos na ng pamahalaan ang pag-uwi ng labi ng binitay. Plano ng pamilya na i-cremate ang bangkay nito.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ng binitay
“We extend our sympathies and condolences to the family. We appeal to the media to allow the family their privacy at this difficult time. However unfortunate, we hope that this will serve as a continuing lesson to our citizens not to allow themselves to be victimized and to fall prey to these syndicates,” ani Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte.
Pinay drug mule binitay na sa China
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...