“Single” ban sa Edsa hindi pinag-isipan | Bandera

“Single” ban sa Edsa hindi pinag-isipan

Bella Cariaso - August 19, 2018 - 12:10 AM

PANSAMANTALA ay nakahinga ng maluwag ang mga tinaguriang “single” o ang mga nagmamaneho ng sasakyan sa kahabaan ng Epifanio delos Santos (Edsa) na walang sakay na pasahero.

Ito’y matapos na magdesisyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isuspinde ang full implementation nito na nakatakda na sana sa Agosto 23.

Halos 6,000 “single” drivers ang nasita ng MMDA sa dalawang araw pa lamang na implementasyon ng dry run.
Batay sa pinakahuling pahayag ng MMDA noong Biyernes, makikipagpulong muli ito sa Metro Manila Council (MMC) kaugnay ng isyu.

At lumalabas, hindi rin nagsagawa ng konsultasyon ang MMDA at ang MMC, na binubuo ng mga Metro Manila mayors, bago nagdesisyong ipatupad ito.

Tutol din ang mga Senate leaders sa tinagurian na high-occupancy vehicle (HOV) scheme sa Edsa matapos ngang maghain ng resolusyon na nananawagan na ito ay ipatigil.

Ang rason ng MMDA, 70 porsiyento ng mga sasakyang dumadaan sa Edsa ay mga nag-iisa lamang at walang mga sakay.

Kahit hindi abogado ay maiisip na paglabag ito sa basic human right ng isang tao, bukod pa sa nagiging selective ito.

Bakit paparusahan ang mga “single” driver gayong ini-exercise lamang nila ang kanilang karapatan na gamitin ang Edsa gaya ng lahat?

Alam naman natin na para sa mga mayayaman, otomatikong may driver sila kayat binigyan pa ng pabor ang mga may-ari ng kotse na kayang kumuha ng sariling driver.

Hindi kasi katulad ng mga “single” driver na kaya nga sila nagmamaneho ng mag-isa ay dahil hindi afford kumuha ng sariling tagapagmaneho.

At malamang, pawang may mga driver ang mga Metro Manila mayors kayat hindi sila apektado ng ban bukod pa sa convoy nakasunod sa mga opisyal.

Alam ng lahat ang problema sa trapik sa Edsa pero hindi rin dapat mabigla-bigla ang solusyon na ipinapatupad dito at lalo na hindi dapat pumapabor o nagdi-discriminate sa isang sektor.

Bottomline, dapat ay laging patas ang mga batas na gustong ipatupad ng mga otoridad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya nga kayo diyan inilagay para magtrabaho ng maayos at magserbisyo, hindi para pasakitin ang isang sektor para lamang masabing kayo ay nagtatrabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending