Coco, mga bossing ng ABS nag-sorry na rin kay Dingdong

COCO MARTIN AT DINGDONG DANTES

MATAPOS magpadala ng sulat si papa Dingdong Dantes sa production ng Ang Probinsyano sa paggamit ng litrato nila ni Marian Rivera at ni Zia nang walang permiso, agad na umaksyon ang mga nasa likod ng programa at nag-isyu ng public apology sa aktor at sa kanyang pamilya.

Kahit daw si Coco Martin ay sinikap ding maipaabot ang paghinigi ng dispensa kay papa Dong. Nalaman din namin na tinawagan ng ilang ehekutibo ng ABS-CBN ang mister ni Marian para humingi ng dispensa.

“All is well that ends well” na nga sa pagitan ni Dingdong at ng Probinsyano production at bilang respeto sa naging pag-uusap, hindi na sasagot pa o magbibigay ng anumang pahayag si papa Dong tungkol dito.

Read more...