Dating child star na nahuli sa buy-bust gagawing asset ng PDEA?

CJ RAMOS

Magandang PR work din naman ang ginawa ni Coco Martin nang kunin niya ang dating child actor na si CJ Ramos, bilang adisyon sa mahigit kumulang nang dalawang daang artista na lumabas sa Ang Probinsyano.

Pansamantalang nakalaya si CJ mula sa kulungan matapos magpiyansa. Nahuli ang binata sa isang drug bust operation kamakailan at hindi naman niya itinanggi ang paggamit ng droga.

Marami ang natuwa sa ginawa ni Coco para kay CJ at sana raw ay tuluyan na nitong talikuran ang bisyo. Nangako naman ang aktor na itutuloy na niya ang pagpapa-rehab.

Pero totoo kaya ang tsismis na kinukuhang asset si CJ ng PDEA para tumulong sa pag-aresto sa iba pang drug users at dealers sa mundo ng showbiz. O, baka naman ito lang ang peg ng magiging role niya sa Ang Probinsyano.

Read more...